Cebu Pacific pumalya sa ere

Napilitang mag-emergency landing ang aircraft ng Cebu Pacific Airways ma­ ta­pos magkaroon ng engine trouble habang nasa ere, may 10 milya ang layo nang mag-take off ito patu­ngong Caticlan via Kalibo, Aklan kahapon ng umaga. 

Dahil sa pagiging alerto ng piloto na nakilalang si Capt. Tomas Torres at co-pilot na si Capt. Richard Muyot, nailigtas sa tiyak na kapahamakan ang may 53 pasahero at apat na crew na sakay ng CEB flight 5J-893 dahil sa agarang pag­dedeklara na may prob­lema sa makina at naga­wang makabalik ng nasa­bing eroplano sa NAIA 3 dakong alas-7:22 ng umaga.

Sa tinanggap na report ni Manila International Airport Authority General Manager Al Cusi, umalis sa Maynila ang 5J-893 ban­dang alas-7:12 ng umaga at may 10 minuto lamang itong nakakalayo nang mag-report ang dalawang piloto na babalik sa NAIA sanhi ng umano’y paglu­luko ng kanang makina habang nasa ere.

Karamihan sa pasa­hero ay mga turista at ba­kas­yunista  papuntang Boracay island.

Matapos na makabalik sa NAIA, agad silang binig­yan ng travel voucher para sa panibagong CEB flight patungong Caticlan mata­pos ang dalawang oras na pag-aantay sa paliparan. (Ellen Fernando)

Show comments