^

Probinsiya

Opisyal ng pulis kinasuhan ng alkalde

-

CAMARINES NORTE – Pormal na ipaghaharap ng kaukulang kaso sa National Police Commission ang isang opisyal ng pu­lisya na sinasabing nam­bastos sa ilang opisyal ng lokal na pamahalaan ng Daet, Camarines Norte.

Desididong sampahan ng kaso ni Daet Mayor Tito S. Sarion, ang tumatayong police provincial director na si P/Supt. Noel Constan­tino, na sinasabing may ilang ulit na hindi sumipot sa gaganaping pormal na turnover of command ng hepe ng pulisya sa nabang­git na bayan.

“Mismong si Constan­tino ang nagbigay ng petsa at oras sa gagawing formal turnover noong Lunes ng hapon subalit hindi sinipot at maging ang outgoing na si P/Supt. Ricardo Villa­nueva kung saan ang ipa­palit ay si P/Supt. Enrique Ramos Jr.,” pahayag ni Sarion.

Nabatid kay Sarion na dapat sana ay noong pang December ang turnover subalit binalewala ni Cons­tantino ang kautusan ng regional police. “Isang tahasang pambabastos sa aking pamamahala ang ginawa ni Constantino,” dagdag pa ni Mayor Sa­rion.

Una nang ikinagalit ni Sarion ang biglaang pag­papalit ng chief of police sa kanyang bayan noong June 2008 na hindi muna ipinaalam ni Constan­ tino.

Nakatakda ring maki­pag-usap si Sarion kay DILG Sec. Puno upang iparating ang kawalang respeto ng mataas na opisyal ng PNP sa nasa­bing lalawigan.

Sinikap naman kunin ang panig ni Constantino subalit hindi makontak at sinasabing hindi pinahi­hintulutan ang mga ma­mamahayag na maka-interview ang nasabing opis­yal. (Francis Elevado)

CAMARINES NORTE

CONSTAN

CONSTANTINO

DAET MAYOR TITO S

ENRIQUE RAMOS JR.

FRANCIS ELEVADO

MAYOR SA

NATIONAL POLICE COMMISSION

SARION

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with