^

Probinsiya

Misis ginilitan sa harap 3 anak

-

Pinagsasaksak hang­gang sa mapaslang ang isang 40-anyos na misis ng mga ‘di-pa kilalang kalalakihan habang nakamasid ang kanyang tat­long anak sa loob sa kani­lang tahanan sa Castilex Road, Ca­bancalan, Mandaue City, Cebu kamakalawa.

Sa ulat ng pulisya na naka­rating sa Camp Crame, naki­lala ang biktima na si Maria Jocelyn Mendoza, na nasawi sa tinamong limang malalalim na gilit ng patalim sa leeg.

Nabatid sa police report na ang mister ng biktima na si Elmer Mendoza ay OFW sa New Zealand kung saan ang mag-iina ang magkasama sa bahay.

Sa inisyal na imbestigas­yon ng pulisya, nakita pa mis­mo ng 8-anyos na anak na ba­bae ng biktima ang mga ka­wa­tan na umakyat sa ikala­wang palapag ng kanilang tahanan.

Niransak ang master’s bed­room at kinuha pa ang pinagbentahan sa sari-sari store ng mga biktima sa unang palapag

Narekober ang duguang unan na ginamit pantakip sa mukha ng biktima matapos rumesponde ang mga tauhan ng Scene of the Crime Operatives.

Lumilitaw sa imbestigas­yon na nagising ang bunsong anak na babae ng biktima da­hil sa komosyon sa kanilang sala at nakita pa nito ang mga suspek habang papasok sa master’s bedroom.

Sinundan pa ng bata ang mga kawatan sa ikalawang palapag  at nang makita niya ang mga itong pumasok sa kanilang sari-sari store ay muli itong umakyat sa taas at gini­sing ang kaniyang dalawang utol.

Nang bumaba ang magka­kapatid ay nakaalis na ang mga kawatan subali’t patay na ang kanilang ina. (Joy Cantos)

vuukle comment

CAMP CRAME

CASTILEX ROAD

ELMER MENDOZA

JOY CANTOS

MANDAUE CITY

MARIA JOCELYN MENDOZA

NEW ZEALAND

SCENE OF THE CRIME OPERATIVES

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with