CEBU CITY – Karit ni kamatayan ang sumalubong sa mag-utol makaraang bigtihin ng sariling ama na nag-suicide rin sa loob ng kanilang inuupahang apartelle kahapon ng umaga sa Barangay Camputhaw, Cebu City, Cebu.
Kinilala ng pulisya ang magkapatid na sina Christy Mae Tabal, 5; at Christoph Von Borstel, 10, na nakataob sa ibabaw ng kama sa loob ng isang kwarto sa The Apartelle sa Escario Avenue sa nabanggit na barangay.
Ang dalawang bata ay kapwa nakabalot ng shopping bag ang ulo na pinaniniwalaang sanhi ng kanilang kamatayan matapos na sakalin at bigtihin ni Felix Ortiz, 35. Si Felix naman ay natagpuan din nakabitin sa kanilang kwarto, na pinaniniwalaang nag-suicide.
Napag-alamang si Christy Mae ay anak sa unang asawa ng live-in ni Felix, saman talang si Borstel naman ay anak sa dayuhang Aleman.
Ayon sa imbestigasyon ng pulisya, ang tiyuhin ng dalawang bata na si Isabelo Tabal ang siyang nakakita sa kalagayan ng tatlo matapos na ito ay bisitahin kahapon.
Sinasabing kaarawan kahapon ni Christoph at sadya sanang susunduin ang magkapatid ng tiyuhin upang ipamili kasama ng kanilang ina na si Bernadette Von Borstel.
Nabatid na ang batang Von Borstel at ang biyuda nitong ina na si Bernadette ay kararating lang sa bansa noong Disyembre 28 mula sa Germany at balak sanang pagtagpuin ang magkapatid na si Christy Mae ay lumaki sa poder ng kanyang amang si Ortiz sa Surigao City.
May teorya ang pulisya na may kinikimkim na galit si Felix sa ina nang mga bata dahil sa kalagayan ng kani lang relas yon at dahil na rin sa sinasabing lulong sa ipinagbabawal na droga ang lalaki.