GMA dadalaw sa Mindanao

Cagayan de Oro City - Sisimulan ngayon ni Pa­ngu­long Arroyo ang kan­yang 4-araw na first working week ng 2009 sa pa­mamagitan ng pagdalaw sa mga lalawigan sa Min­danao.

Magtutungo ngayong umaga si Pangulong Arroyo sa San Jose Parish Church sa Midsalip, Zam­boanga del Sur saka ito pupunta sa Salug, Misamis Occidental upang bisitahin ang Salug irrigation system at iinagurahan naman niya ang Hatchery ng Eco-Tourism project sa Misamis Occidental Aquamarine Park sa Dolphin island.

Ngayong hapon ay iinagurahan ni Mrs. Arroyo ang Ozamis City public market saka ito magtu­tungo naman sa Tangub City para sa isang salu-salo sa mga local government officials para sa isang post-Christmas festival showcase kung saan ay panonoorin din ng chief executive ang inihandang fireworks display.

Sa Martes ay iinagu­rahan din ng Pangulo ang Clarin bridge sa Clarin, Mi­samis Occ, bago ito mag­tungo sa Molundo, Lanao del Sur para pangunahan ang “full cabinet meeting”.

Magtutungo din ang Pangulo sa Cagayan de Oro City sa Martes ng gabi para lagdaan upang ma­ging ganap na batas ang mga administration bills habang nakikipag-dinner ito sa mga local officials ng Misamis Oriental.(Rudy Andal)

Show comments