^

Probinsiya

Bodega ng paputok nasunog; 2 utas

-

BULACAN – Dalawang sibilyan ang kumpirmadong nasawi habang isa pa ang nasa kritikal na kondisyon makaraang masunog ang bodega ng paputok sa Sitio Balubaran, Barangay Duhat sa bayan ng Bocaue, Bula­can noong Biyernes ng gabi.

Kinilala ng pulisya ang nasawi na sina Pedrito Tur­cino at Ogie Asero, ha­bang nagtamo naman ng 3rd degree burn si Edwin Torcino na ngayon ay nasa Jose Reyes Memorial Hospital sa Maynila.

Sa ulat ni P/Supt. Ronald De Jesus, hepe ng pulisya sa Bocaue, ang mga biktima ay pawang nagtatrabaho sa pabrika ng  E & B Fireworks na pag-aari ni Edwin Corpuz ng Barangay Batia sa bayan ng Bocaue.

Sinabi ni Bulacan Provincial Police Office (PPO) Director Sr. Supt. Allen Bantolo, na­ganap ang pagkasunog ng bodega ng nasabing pabrika ng paputok dakong alas-10:30 ng gabi habang ang nasabing mga traba­hador ay mahimbing na natutulog.

Base sa police report, lu­militaw na natutulog ang mga biktima nang mag-short circuit at kumislap ang isa sa linya ng kuryente sanhi ng epekto ng mga ke­mikal na gi­nagamit sa pag­gawa ng pa­putok kaya big­lang suma­bog saka ku­malat ang apoy sa paligid ng bo­dega kung saan nakulong ang mga bik­tima habang pa­tuloy naman ang imbes­ti­gasyon ng pu­lisya. (Dino Balabo)

vuukle comment

ALLEN BANTOLO

B FIREWORKS

BARANGAY BATIA

BARANGAY DUHAT

BOCAUE

BULACAN PROVINCIAL POLICE OFFICE

DINO BALABO

DIRECTOR SR. SUPT

EDWIN CORPUZ

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with