CAMP SIMEON OLA, Legazpi City – Brutal na kamatayan ang sinapit ng isang misis na sinasabing pinatay sa sakal ng magpinsang rapist kamakalawa ng hapon sa Barangay Sioron sa bayan ng Gigmoto, Catanduanes.
Bandang alas-4:30 ng hapon nang pasukin ang bahay ng biktimang si Analyn Tumalin na sinasabing tinangkang halayin subalit nanlaban sa mga suspek na sina Victorino Carranza at Silvestre Ternida.
Ayon sa pulisya, naiwan ang biktima na nag-isa sa bahay habang ang mister nito ay nasa trabaho.
Napag-alaman na bago mamatay ang biktima ay nakapag-iwan ito ng palatandaan sa dalawang rapist na kapwa may kalmot sa kanilang leeg.
Sa follow-up operations ng pulisya, naaresto ang da lawang suspek na may mg kalmot sa leeg ng kuko ng biktima
Samantala, isa pang misis ang iniulat na pinagkawan na ay hinalay pa ng isang 19-anyos na lalaki sa Barangay San Lucas sa bayan ng Camaligan, Camarines Sur, kahapon ng madaling-araw.
Naaresto naman ang suspek na si Roger San Lorenzo matapos ipagbigay-alam ng biktima sa pulisya.
Hindi naman nabatid sa police report kung narekober sa suspek ang ninakaw na cell phone at telebisyon ng biktima. (Ed Casulla)