Pinugutan ng karibal

Malagim na Bagong Taon ang sinapit ng isang tinedyer makaraang pugu­tan ng ulo ng ‘di-pa nakila­lang lalaki na sinasabing naging karibal nito sa pag-ibig sa kaniyang ka-text­mate na dalaga sa bayan ng Dumangas, Iloilo noong Sabado ng umaga.

Kinilala ang nasawing biktima na si  Eduardo Lo­zarito, 18, ng Cayan Oeste sa Lambunao, Iloilo.

Patuloy naman ang man­hunt operation ng pu­lisya laban sa suspek na sinasabing adik sa droga at masugid na karibal sa pag-ibig ng biktima.

Batay sa police report na nakarating sa Camp Crame, natagpuan ang bang­kay ng biktima sa liblib na bahagi ng Sitio Buhang, Ilaya, 1st Dumangas  kung saan nakahiwalay na ang ulo nito sa katawan ban­dang alas-6 ng umaga.

Pinaniniwalaan naman ng mga imbestigador ng pulisya na may ilang oras pa lamang iniwang patay ang biktima base na rin sa mga patak ng dugo sa katawan nito.  

Sa salaysay sa pulisya ni John Sandoval, 19, ka­samahan sa bahay ng bik­tima, nagpaalam sa kanya ang kaibigan kamakalawa ng gabi upang dumalaw at tuloy ay umakyat ng ligaw sa ka- textmate na dalaga sa Barangay Bacay, Du­mangas subali’t nabigo na itong makauwi.

Lumilitaw sa imbesti­gasyon na pumunta la­mang sa bayan ng Du­mangas ang biktima upang magtrabaho sa sakahan hanggang sa may makilala itong ma­gandang dalaga sa pama­magitan ng text messages at kanyang nili­gawan.

Gayon pa man, naka­tanggap ng pagbabanta ang biktima sa sinasabing karibal nito na pinagsa­bihan itong tigilan na ang panliligaw sa dalaga kung hindi nito nais na mapaha­mak. (Joy Cantos )

Show comments