Chairman itinumba
January 3, 2009 | 12:00am
Itinumba matapos bistayin ng bala sa mismong araw ng Bagong Taon ang isang barangay chairman ng hindi pa nakilalang salarin sa Cabugao, Ilocos Sur, ayon sa ulat kahapon.
Patay na nang maipasok sa Suero General Hospital ang biktimang si Romeo Tisbe, 52 anyos, chairman sa Barangay Salumague sa Cabugao.
Katatapos lang magdiwang ng Bagong Taon bandang alas-12:45 ng madaling-araw ang biktima at ang kanyang pamilya nang biglang sumulpot ang salarin bago siya pinagbabaril. (Joy Cantos)
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest