^

Probinsiya

7 katao nalason sa pansit

-

Pito katao mula sa dala­wang pamilya ang isinugod sa pagamutan makaraang malason sa inalmusal ng mga itong pansit bihon kaha­pon ng umaga sa General Santos City, South Cotabato.

Kinilala ang mga biktima na sina Rommel, 29-anyos; mga anak nitong sina Vero­nica, 3; Randy, 7; Raul; pa­wang ng pamilya Ansay.

Sa kapitbahay ng mga ito sa pamilya Senon ang mga biktima ay kinabibilangan nina Teresita, 20-anyos; mga anak nitong sina Maribel, 7-anyos at Maricel, 4 taong gulang.

Ang mga ito ay patuloy na inoobserbahan sa General Santos City District Hospital.

Batay sa ulat, inalmusal ng pamilya Senon at Ansay ang pansit bihon dakong alas-7 ng umaga sa Sitio Biagan, Bara­ngay San Jose sa naturang lunsod.

Lumilitaw sa inisyal na im­­bestigasyon na ang na­sabing pansit bihon ay natira pang handa sa pagsalubong sa Ba­gong Taon ng naturang mga pamilya.

 Kahapon ng umaga ay ininit umano sa kawali ang pansit bihon at muling inalmu­sal ng pamilya ng mga biktima sa kabila ng ilang araw na itong nakaimbak.

Nabatid na panis na ang kinaing pansit ng mga biktima na siyang nakalason sa mga ito kung saan nakaramdam ang mga ito ng pananakit ng tiyan saka ulo, pagsusuka, pag­kahilo at matinding pagdu­dumi ma­tapos na almusalin ang sira ng pagkain.   (Joy Cantos)

vuukle comment

ANSAY

GENERAL SANTOS CITY

GENERAL SANTOS CITY DISTRICT HOSPITAL

JOY CANTOS

SAN JOSE

SENON

SHY

SITIO BIAGAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with