Bus at trak salpukan sa tollway

Lipa City, Batangas — Uma­abot sa 15 katao ang nasu­gatan nang mag­bang­gaan ang isang pam­pasahe­rong bus at cargo truck sa ka­habaan ng Southern Tagalog Arterial Road Tollway sa lung­sod na ito kahapon ng umaga.

Ayon kay Al Ocfemia, secu­rity supervisor ng Star Tollway, kapwa binabagtas ng RRCG Bus Lines at isang 10-wheeler cargo truck ang highway patu­ngong Batangas City nang magkabanggaan sa kilometer 77 sakop ng Bara­ngay Pusil bandang alas-6:10 ng umaga.

Bigla umanong umober­take ang RRCG bus na mina­maneho ni Isidro Ramos sa cargo truck na nasa harapan nito na minamaneho naman ni Agapito Dela Cruz nang ma­walan ng control ang bus at bumangga sa likurang bahagi ng ten-wheeler truck.

Wala namang naiulat na nasawi o grabeng nasaktan sa nasabing insidente. (Arnell Ozaeta)

Show comments