Kagawad nagpatiwakal

Umingan, Pangasinan — Habang nagkakasayahan ang iba sa pagsalubong sa Bagong Taon, isang barangay ka­gawad ang nagpatiwakal sa pamamagi­tan ng pagbaril sa kanyang mukha sa loob ng kanyang kubo sa Barangay Con­cep­cion dito.

Nakilala ng biktima na si Ramilo Caba­nilla, 51-anyos, na natagpuang duguan at wala nang buhay sa kanyang higaang kawayan.

Unang nakakita sa bangkay ni Caba­nilla ang asawa niyang si Lolita sa pagitan ng alas-12:00 ng hatinggabi at ala-1:00 ng madaling-araw ng Enero 1.

Sinabi ni Gng. Cabanilla na matagal nang nagpaplanong magpakamatay ang bik­tima matapos niyang matuklasang meron itong kalaguyo.

Isinurender niya sa pulisya ang .38 kalibreng revolver na Smith and Wesson na ginamit ng kanyang asawa sa pag­papakamatay.

Dinala sa punerarya ang bangkay ng biktima pero tinutulan ng kanyang mga kapatid na iawtopsiya ito. (Eva Visperas)

Show comments