^

Probinsiya

Sulyap Balita

-

Mag-utol naabo sa sunog

Malagim na kamatayan ang sinapit ng mag-utol na babae makaraang makulong sa loob ng kanilang tahanan na nasunog sa Barangay Mampang sa Zamboanga City kamakalawa ng madaling- araw. Halos naabo ang mga katawan nina Divina Gustilo, 31; at Dhea Gustilo, 21. Nailigtas naman ng kapitbahay na si Al-Asad Unnoh ang mga anak ni Divina na may edad na walo, lima at 2-anyos kung saan nagdaan sa butas na pinag­lagyan ng air-conditioning unit. Sa police report na nakarating sa Camp Crame, lumitaw na bago magsimula ang sunog ay naka­rinig ang ilang kapitbahay ng pamilya Gustilo ng malakas na pagsabog saka kumalat ang apoy. Sa pahayag ng naka­babatang utol ng dalawa, namataan pa niya ang pagkaway ng ka­­niyang dalawang ate sa paghingi ng tulong subalit hindi na sila makapasok dahil masyadong malakas ang apoy. (Joy Cantos)

Magpinsan grabe sa ambush

KIDAPAWAN CITY -  Malubhang nasugatan ang mag­pin­sang babae kabilang na ang ex-member ng Sanggu­niang Panlalawigan makaraang tambangan ng mga armadong kala­lakihan sa kahabaan ng highway na sakop ng Banisilan, North Cotabato noong Lunes. Kasalukuyang ginagamot sa isang ospital sa Davao City ang mga biktimang sina ex-Cota­bato 1st district board member Shirlyn Macasarte at Sheryl Atetista. Sa ulat ni P/Insp. Joyce Birrey, binabagtas ng magpin­sang lulan ng sasak­yang ang kahabaan ng highway nang ha­ra­ngin at ratratin ng mga armadong kalalakihan. Nagawa na­mang maila­yo ng drayber ang kanilang sasakyan at naisugod sa ospital ang magpinsang sugatan. Sinisilip ng mga im­bestigador ang anggulong pulitika ang isa sa motibo sa pananambang. (Malu Cadelina Manar)

Negosyante inutas sa palengke

BATANGAS – Isang 38-anyos na negosyanteng Bumbay ang iniulat na napatay makaraang pagba­ba­barilin ng ‘di-pa naki­kilalang lalaki sa loob ng palengke ng Lipa City, Batangas noong Lunes ng gabi. Kinilala ni P/Supt. Francisco Rodriguez, hepe ng Lipa City PNP, ang biktimang si Dharminder Kumar ng Ba­rangay Maraouy, Lipa City at may negosyong RTW. Ayon sa police report, nagsasarado ng kanyang tindahan ang biktima sa Lipa Public Market sa Poblacion nang lapitan at pagbabarilin bandang alas-6:45 ng gabi. Sa inisyal na ulat ng mga imbesti­gador, posibleng may kinalaman sa naging sistema ng pani­ningil ng kanyang pautang ang isa sa dahilan ng krimen. (Arnell Ozaeta)

Ex-solon todas sa van

ANTIPOLO CITY, Rizal – Malungkot na Bagong Taon ang sasalubong sa pamilya ng dating kongresista ng Abra makaraan itong mahagip ng Isuzu van habang tumatawid sa kahabaan ng Marcos Highway sa harapan ng Kingsville Subd. sa Barangay Mayamot, Antipolo Cty, Rizal kamakalawa ng gabi. Kinilala ang biktima na si ex-Abra Congressman Arturo Barbero, 64, ng #27 Molave Street, Project 3, Quezon City. Samantala, Pormal naman kinasuhan ang naarestong drayber ng van (ZHM292) na si Almerto Minguito Jr., 26, ng Caluma Compound, Saint Ignatius sa Brgy. Cupang. Si Barbero ay nagsilbing congressman/assemblyman ng Abra mula 1984-1986 kung saan kasapi ito ng Kilusang Bagong Lipunan (KBL) ng panahon ni dating Pangulong Ferdinand Marcos. (Edwin Balasa)

Retiradong pulis nilikida

LINGAYEN, Pangasinan – Isang retiradong pulis ang iniulat na binaril at napatay ng mga ‘di-pa kil­alang kalalakihang sakay ng motorsiklo noong Sabado ng umaga sa kahabaan ng national highway sa Barangay Buayen sa bayan ng Bayambang, Pangasinan. Sa ulat na nakarating sa provincial police office, kinilala ang biktima na si ex-SPO3 Bernabe Macasieb Sr., 49, naninirahan sa Barangay Sanlibo sa nasabing bayan. Base sa pagsisiyasat ng pulisya, sakay ng motorsiklo ang biktima nang dikitan at barilin ng dalawang motorcycle-riding gunmen. Naisugod pa sa Sto.Niño Hospital subalit hindi na ito umabot ng buhay. (Cesar Ramirez)

Barangay chairman itinumba

CAMP SIMEON OLA, Legazpi City – Tinamba­ngan at napatay ang isang 51-anyos na barangay chairman ng nag-iisang ‘di-pa kilalang lalaki sa bisinidad ng Ba­rangay Taban sa bayan ng Minalabac, Camarines Sur kahapon ng madaling-araw. Napu­ruhan ng bala ng baril sa ulo ang biktimang si Ba­rangay Chairman Leoncio Paranal. Ayon sa police re­port, papauwi na ang bikti­mang dumalo sa sayawan sa plaza dakong alas-2 ng madaling-araw nang ha­rangin at ratratin. (Ed Casulla)

ABRA

ABRA CONGRESSMAN ARTURO BARBERO

AL-ASAD UNNOH

ALMERTO MINGUITO JR.

ANTIPOLO CTY

CITY

LIPA CITY

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with