^

Probinsiya

Sports editor tinodas ng pulis

-

TAYTAY, Rizal – Na­paslang ang isang sports editor ng lokal na tabloid habang nasa malubha namang kalagayan ang kasamahan nito maka­raang mamaril ang isang pulis-Taytay kamakalawa ng gabi sa Barangay San Juan ng nabanggit na bayan.

Idineklarang patay sa Pasig City General Hospital si Celedonio Abines, sports editor ng Manila East Newspaper habang sugatan naman si Jose Luces na kapwa resi­dente ng Block 19, Purok 1 sa Sitio Damayan, Brgy. San Juan.

Kasalukuyan namang hindi nabatid ang kinala­lagyan ng suspek na si PO2 Joselito Melendrez na nakatalaga sa himpilan ng pulisya sa Taytay na pinamumunuan ni P/Supt. Manuel Pion.

Sa nakalap na impor­masyon ng PSNgayon, naitala ang krimen da­kong alas-11:25 ng gabi matapos magtungo si PO2 Melendrez sa kina­roroonan ng mga biktima.

Sa hindi maipaliwanag na dahilan ay nagpaputok ng M-16 Armalite rifle ang suspek bilang warning shot, subalit tinamaan ang magkatabing sina Abines at Luces.

Sinubukan namang kausapin si P/Senior Supt. Edgardo De Leon, deputy director ng Rizal PNP subalit sinasabing wala sa kanyang opisina habang sinikap namang kapanayamin si P/Supt. Pion upang hingan ng reaksyon subalit walang ibinigay na impormasyon at sinabing may kausap lang.

Tumanggi rin ang mga pulis-Taytay na ipa-interview sa mga mama­mahayag ang suspek dahil sa utos ng kanilang mga superior. (Edwin Balasa)

vuukle comment

BARANGAY SAN JUAN

CELEDONIO ABINES

EDGARDO DE LEON

EDWIN BALASA

JOSE LUCES

JOSELITO MELENDREZ

MANILA EAST NEWSPAPER

MANUEL PION

SHY

TAYTAY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with