Diskuhan bumagsak: 50 sugatan
Umaabot sa limampung sibilyan ang iniulat na nasugatan maka raang bumagsak ang floating disco hall habang nagdaraos ng raffle ang may 200 kawani sa ginanap na Christmas party sa beach resort sa Cadiz City, Negros Occidental kamakalawa ng hapon.
Sa phone interview, sinabi ni P/Chief Inspector Jefferson Descallar, hepe ng Cadiz City PNP, naitala ang insidente dakong alas-4 ng hapon sa Barangay Daga ng nasabing lungsod.
Base sa police report na ipinarating ni Chief Insp. Descallar sa Camp Crame, bumigay ang kaliwang bahagi ng floating disco ng Laura Beach Resort and Restaurant habang nagkakasiyahan kaug nay ng idinaraos na Christmas party ng may 200 kawani ng GTY Trading.
Sinabi ni Descallar na habang nagsasagawa ng raffle ang mga opisyal ng nasabing kumpanya ay nagkum pulan sa gitna ang may 200 kawani kaya unti-unting bumagsak ang floating disco na gawa lamang sa sawali at kawayan sa naturang pamosong restaurant ng nabanggit na lungsod.
Inihayag ng opisyal ng pulisya na hindi nakayanan ng pundasyon ng floating disco ang may 200-katao dahil ang kapasidad nito ay nasa 50 lamang at bukod dito ay may kalumaan na ang nasabing floating disco hall kaya bumigay ito.
Ang mga nasugatan ay naisugod naman sa Cadiz District Hospital, Cadiz Emergency Clinic at Silay Provincial Hospital. (Joy Cantos )
- Latest
- Trending