^

Probinsiya

2 bata todas sa granada

-

BULACAN – Dalawang bata ang iniulat na nasawi makaraang sumabog ang granada na kanilang nilaro sa loob ng kanilang bahay sa Barangay San Rafael, San Jose del Monte City, Bulacan kahapon ng umaga. Kinilala ng pulisya ang nasawing magpinsang sina Alfred Cabiles Villareal, 13 at Arjay Cabiles Gelido, 8, kapwa naninirahan sa Block 17 Lot 1 ng nabanggit na barangay. Inimbitahan naman ng pulisya ang ama ni Arjay na si Ruben Gelido na sinasabing may-ari ng granada. Sa ulat na nakarating sa Kampo Crame, naitala ang insidente dakong alas-7:20 ng umaga kung saan pinaglaruan ang nakuhang granadang natanggalan ng safety pin kaya sumabog. (Dino Balabo at Danilo Garcia)

2 katao utas sa bike crash

NUEVA ECIJA – Dalawang sibilyan ang makapag­diriwang ng Bagong Taon sa sementeryo makaraang sumalpok ang kanilang motorsiklo sa kongretong plant box sa gilid ng provincial road na sakop ng Barangay Poblacion 4, Peñaranda, Nueva Ecija, noong Sabado ng hapon. Sa police report na nakarating kay P/Senior Supt. Ricardo Marquez, Nueva Ecija police director, nakilala ang mga biktimang nasawi na sina Dominador de Guzman, 43, ng Barangay Poblacion 4; at Juanito Margarejo, 45, ng Barangay Sto. Tomas. Samantala, sugatan naman ang drayber ng mo­tor­siklo na si Victorio Gredo Cruz, 46. (Christian Ryan Sta. Ana)

 ‘Tiktik ng AFP/PNP’ itinumba

CAMP SIMEON OLA , Legazpi City – Tinambangan at napaslang ang isang 53-anyos na magsasaka ng mga rebeldeng New People’s Army kamakalawa makaraang mapagbintangang tiktik ng militar at pulisya sa panibagong kara­hasan sa Sitio Dung-an, Barangay Dalipe sa bayan ng Cawa­yan, Masbate. Napuruhan ng mga bala ng baril sa ulo at katawan si Benigno Cabatana 53. Base sa police report, papa­uwi na ang biktima mula sa pakikapag-inuman ng alak sa kaibi­gan nang harangin at ratratin ng mga armadong kalala­kihan. (Ed Casulla)

12 sugatan sa road mishap

Labindalawang sibilyan ang iniulat na nasugatan makaraang mahagip ng pampasaherong bus ang multicab ng mga biktima kamakalawa sa highway ng Bayan ng Bato sa Camarines Sur. Lima sa mga biktima na nasa kri­ti­kal na kondisyon ay kinilalang sina Charito Barela, driver ng multicab; Elvie Almasco, limang buwang buntis; Joseph Sanglay, Elamaria Almasco at si Inoah Estadilla. Batay sa ulat na nakarating sa Camp Crame, nagbaba ng pasahero ang multicab at nagmamaniobra na pabalik sa main road mula sa kasalan sa bayan ng Oas, Albay nang hindi nito ma­pansin ang paparating na bus kaya naganap ang sakuna. Sumuko naman ang drayber ng bus. (Danilo Garcia)

ALFRED CABILES VILLAREAL

ARJAY CABILES GELIDO

BAGONG TAON

BARANGAY DALIPE

BARANGAY POBLACION

BARANGAY SAN RAFAEL

BARANGAY STO

DANILO GARCIA

NUEVA ECIJA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with