3 minasaker habang kumakain

Tatlong tao ang nasawi nang pagbabarilin ng isang lalaki habang kumakain sila sa isang videoke bar kaha­ pon ng madaling-araw sa Ba­rangay San Jose, Antipolo City.

Kinilala ang mga biktima na sina Josephine Rubis, 44; anak nitong si Roselyn, 17; at isang Jimmy Ferrer 39.

Kasalukuyan hawak ng pulisya ang suspek na si Edgardo Abalos, 57, kapit­bahay ng mag-ina sa Sitio Tabak, Kalye Putol ng nasa­bing barangay.

Nagmemeryenda ang mga biktima sa loob ng vi­deoke bar sa nasabing lugar nang biglang pumasok sa loob ang suspek bitbit ang isang M-16 armalite at wa­lang sabi-sabing pinagbabaril ang mga biktima bago tuma­kas. (Edwin Balasa)

Show comments