2 bihag ng MILF, laya na

Dalawang sibilyan na binihag ng grupo ni Moro Islamic Liberation Front  Commander  Ameril Umbra Kato, ang pinalaya na matapos ang limang oras sa Ka­bun­talan, Shariff Kabunsuan ka­hapon ng madaling-araw. 

Kinilala ang mga biktima na sina Danny Vicente at Fred Miranda na kapwa residente ng  Barangay Gayonga, Nor­thern Kabuntalan.

Ayon sa ulat ng regional police na pinamumunuan ni P/Chief Supt. Bensali  Jaba­rani, dinukot ang mga bik­tima sa bahagi ng  Brgy. Ga­yonga kung saan ginamit na kalasag ng MILF renegades upang makatakas laban sa tumutugis na puwersa ng militar.

Nabatid na kasalukuyang naghahanda ang pamilya ng dalawa para sa kanilang salu-salo sa Noche Buena nang puwersahang tanga­yin  ng mga armadong MILF.

Gayon pa man, makali­pas ang 5- oras  ay pina­wa­lan din ang dalawa noong Huwebes ng madaling araw sa mis­mong araw ng Pasko. (Joy Cantos)

Show comments