^

Probinsiya

Baril nilaro, nene dedo

-

TUGUEGARAO CITY, Cagayan – Masaklap na Kapaskuhan ang sumalubong sa pagdiriwang ng Kapaskuhan ng pamilya ng isang 10-anyos na dalagita makaraan masapol ng bala ng baril sa ulo noong Lunes ng umaga sa Tuguegarao City, Cagayan. Kinilala ng pulisya ang biktima na si Merly Cbotaje ng City Homes Subd. sa nabanggit na lungsod. Base sa police report, papauwi na ang biktima matapos bumili ng groceries para sa Noche Buena nang makapulot ng baril. Sa pag-aakala ng biktima na laruan ang napulot na baril ay itinutok nito sa kasamang kapatid bago itinutok sa kanyang ulo. Kaagad naman nakipaglaro si kamatayan sa biktima matapos na aksidente nitong makalabit ang gatilyo ng kalibre .38 baril. Charlie Lagasca

Dalaga ni-rape ng ka-text

Dahil sa pagiging ma­hiligin sa pakikipag text, isang 19-anyos na dalaga ang iniulat na ginahasa ng kanyang ka-textmate matapos na yayain itong mag-simbang gabi sa ba­ yan ng Binmaley, Panga­sinan, kamakalawa. Lu­muluhang dumulog sa himpilan ng pulisya ang biktimang itinago sa pa­ngalang Eunice na ipi­nagharap ng reklamo ang suspek na si Jona­than Canlas, 21, na nga­yon ay nakakulong ha­bang ini­hahanda ang kaukulang kaso na isa­sampa.

Base sa police report na nakarating sa Camp Crame, dakong alas-4 ng madaling-araw nang ya­yain ng suspek si Eunice na magsimbang gabi. Ito ang ikalawang pagkaka­taon na nagkita at nag-sim­bang gabi ang dalawa mula sa 11-araw na pa­gi­ging magka-textmate.

Noong Lunes (Dis. 22) ng madaling-araw ay muling niyaya ng suspek ang biktima na mag-simbang gabi su­balit halip na sa simba­han ay dinala ang da­laga sa dalampa­ sigan ng Brgy. San Isidro kung saan isinagawa ang maitim na balak. Joy Cantos

Kabesa, 1 pa itinumba

Tinambangan at napatay ang isang barangay chairman at kaibigang lalaki nito sa panibagong paghahasik ng karahasan ng mga rebeldeng Moro Islamic Liberation Front sa bisinidad ng Sitio Landing sa Barangay Mang­ gal, bayan ng Sumisip, Basilan kamakalawa. Ka­bilang sa mga nasawi ay si Brgy. Chairman Maurin Tana­jid, habang inaalam pa ang pagkikilanlan ng kanyang kaibigan. Napag-alamang sa police report na nakarating sa Camp Crame, naganap ang krimen bandang alas-10 ng umaga kung saan lulan ng motorsiklo ang mga bik­tima. Natukoy naman ang mga suspek na mula sa grupo ni  MILF Commander Muktar Mingkong na mabilis na nag­­ sitakas patungo sa direksyon ng kagubatan. Joy Cantos

vuukle comment

BARANGAY MANG

BRGY

CAMP CRAME

CHAIRMAN MAURIN TANA

CHARLIE LAGASCA

CITY HOMES SUBD

COMMANDER MUKTAR MINGKONG

EUNICE

JOY CANTOS

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with