Sanggol itinapon sa dagat

BACOLOD CITY – Mistulang sinapian ng masamang espiritu ang isang ina matapos na iha­gis sa dagat ang ka­niyang anak na isang taong gulang na batang lalaki na nasawi sa pag­kalunod habang lu­lan ang mag-ina ng pam­pa­saherong barko  na nag­lalayag sa kara­gatan ng Sicogon Island sa bayan ng Car­les, Iloilo kahapon ng umaga.

Nailigtas naman ng mga awtoridad si Flor­de­luna Pabuaya, 27, nang tu­malon din ito sa dagat makaraang iha­gis ang anak na si Ja­cob ban­dang alas-8:45 ng umaga.

Batay sa report, na­batid na naglayag ang barkong pag-aari ng Negros Navigation mula sa Maynila ban­dang alas-3 ng hapon at pa­ba­lik na sa Ba­colod City ang mag-ina lulan ng M/V St. Peter nang maga­nap ang  insidente.

Kaagad naman na­karating sa kaalaman ng mga crew ng barko ang insidente kaya ma­bilis na naisagawa ang rescue operation sa pangungu­na ni Capt. Oscar Jadoc subalit hindi na naisalba pa ang buhay ng sang­gol.

Tumagal ng 40-mi­nuto bago nakuha ang bangkay ng bata  na na­sawi sa pagkalunod.

Sinabi ni Coast Guard Commander Ha­rold Jar­der, na si Pa­buaya ay pa­pauwi na sa Puno Ba­nago sa Ba­colod City, kasama ang kanyang biyanang la­laki ay sina­sabing hindi lamang ma­kailang ulit na nagtang­kang mag-suicide na pi­na­ni­niwa­laang may ka­pan­sanan sa pag-iisip.

Nahaharap ngayon sa kasong parricide si Pabuaya na nakatakda ring isailalim sa mental test upang alamin kung may diprensya nga ito sa pag-iisip. Anto­nieta Lopez at Joy Cantos

Show comments