Developer pumalag sa Ilegal na Ordinansa

RIZAL ­— Pumalag ang pamunuan ng Chamber of Real Es­tate Builders’ Association, Inc. (CREBA, Inc.) ang ina­prubahang mga ordinansa ng Sangguniang Bayan ng bayan ng Rodriguez (Montalban), Rizal.

Sa liham na ipi­na­dala ng pangulo ng nasabing asosasyon na si Reghis Ro­mero kay Mayor Pedro Cuerpo na may petsang Abril 9, 2008, na ilegal at lampas na sa kapangyarihan na pagpataw ng buwis ang mga Kautusan at dapat repasuhin at bawiin.

Nagdaragdag ng mga rekisitos sa mga pribadong mama­mayan at korporasyon na nag-aaply ng development permit ng kanilang lupa upang maging subdibisyon,” pahayag pa ni Romero.

Nakaligtaan ng Sangguniang bayan ng Ro­dri­guez, ang public hearings, maglathala ng tax at revenue or­dinances, at ang hindi pagb­i­bigay ng mga kopya ng na­sabing ordinansa. Ipinaliwanag pa ni Romero na ang mga ordinansang naipasa ng SB ay maituturing na “expropriation without payment of just compensation” o kaya isang “act of deprivation of property without due process of law.”

Ang nasabing ordinansa ay lumabag sa Presidential Decree # 957 at Batas Pambansa Blg. 220. Binalaan ng CREBA, Inc. si Mayor Cuerpo at Sangguniang Bayan na mapipilitan silang maghain ng kaso at legal na aksiyon ka­pag binalewala ang kanilang kahilingang bawiin o repasuhin ang mga naturang kautusan.

Show comments