Developer pumalag sa Ilegal na Ordinansa
RIZAL — Pumalag ang pamunuan ng Chamber of Real Estate Builders’ Association, Inc. (CREBA, Inc.) ang inaprubahang mga ordinansa ng Sangguniang Bayan ng bayan ng Rodriguez (Montalban), Rizal.
Sa liham na ipinadala ng pangulo ng nasabing asosasyon na si Reghis Romero kay Mayor Pedro Cuerpo na may petsang Abril 9, 2008, na ilegal at lampas na sa kapangyarihan na pagpataw ng buwis ang mga Kautusan at dapat repasuhin at bawiin.
Nagdaragdag ng mga rekisitos sa mga pribadong mamamayan at korporasyon na nag-aaply ng development permit ng kanilang lupa upang maging subdibisyon,” pahayag pa ni Romero.
Nakaligtaan ng Sangguniang bayan ng Rodriguez, ang public hearings, maglathala ng tax at revenue ordinances, at ang hindi pagbibigay ng mga kopya ng nasabing ordinansa. Ipinaliwanag pa ni Romero na ang mga ordinansang naipasa ng SB ay maituturing na “expropriation without payment of just compensation” o kaya isang “act of deprivation of property without due process of law.”
Ang nasabing ordinansa ay lumabag sa Presidential Decree # 957 at Batas Pambansa Blg. 220. Binalaan ng CREBA, Inc. si Mayor Cuerpo at Sangguniang Bayan na mapipilitan silang maghain ng kaso at legal na aksiyon kapag binalewala ang kanilang kahilingang bawiin o repasuhin ang mga naturang kautusan.
- Latest
- Trending