P2M pekeng F21 nasamsam
MARILAO, Bulacan – Tinatayang aabot ng P2 milyong halaga pekeng mga damit na may tatak Forever 21 na pinaniniwalaang naipuslit papasok ng bansa ang nasabat ng mga tauhan ng Criminal Investigation and Detection Group sa isang shopping mall sa Brgy. Lias, sa bayan ng Marilao, Bulacan kahapon.
Sa bisa ng search warrant na ipinalabas ni Judge Reynaldo G. Ros ng Manila Regional Trial Court Branch 33, sinalakay ng mga elemento ng CIDG-Bulacan,PNP-CIDG-AFCCD, at Marilao PNP, ang Forever 21 Fashion Apparel store.
Kinila ni P/Chief Insp. Julius Ceasar Mana ng CIDT-Bulacan, ang mga may-ari ng tindahan na sina Romeo Harve, Chong Beatris Chua,Norma Dychaoco, Carolyn Tan Chong, Licila Tan, Juliet Co,at Albert Harve na walang naipakitang mga dokumento hinggil sa legal na pagbebenta ng nasabing mga damit.
Ayon kay Atty.Pablo M. Garcayco, kinatawan ng orihinal na Forever 21, ang mga nasamsam na damit ay mabibili sa mababang halaga lamang samantalang ang orihinal ay di-bababa sa P1000 bawat isa. (Romeo “Boy” Cruz)
- Latest
- Trending