^

Probinsiya

Trahedya sa dagat: 28 lunod

- Joy Cantos, Charlie Lagasca -

TUGUEGARAO CITY – Umaabot  na sa 28-katao ang iniulat na nasawi ha­bang 22 iba pa ang nawa­wala makaraang lumubog ang isang wooden ferry ha­bang naglalayag sa kara­gatang sakop ng Barangay Linao sa Aparri, Cagayan kamakalawa ng gabi. 

Sa ulat na nakarating kahapon sa National Disaster Coordinating Council, 22 pa ang pinaghahanap sa mga pasahero at tripulante na lulan ng M/B Mae Jan habang 46 naman ang na­kaligtas matapos na maka­langoy sa dalampasigan ng Brgy. Pallog sa bayan ng Ballesteros.

Kabilang sa mga nalunod ay sina Aimee Tan-Arellano, Calayan SB board member Winifredo Agarpao, Angel Suarez, Cristin Cangas, Eva Llopis, Ofelio Fadero-Bal­mes, Paz Escalante, Azela Tambao, Adena Tan-Arella­no, Ralaine Allado, Leo­nardo Llopis, Marilou Menor at si Bella Llopis.

Karamihan sa mga pa­sahero ay mamimili ng pag­kain at iba pang gamit sa Aparri para sa nalalapit na Kapaskuhan.

Ayon kay P/Senior Insp. Alex delos Santos, hepe ng pulisya sa bayan ng Balles­teros, inaalam naman ang mga pangalan ng iba pa sa mga nasawi sa malagim na insidente.

Napag-alamang si Arella­no na kabilang sa mga na­matay ay natukoy na siyang may-ari ng lumubog na ferry.

Sa inisyal na imbestigas­yon, lumilitaw na pumalaot ang M/B Mae Jan na may lulang 96-katao mula sa pantalan ng Calayan Island dakong alas-8 ng umaga noong Linggo na may ma­gandang panahon at naka­takdang dumaong sa panta­lan ng Aparri dakong alas-4 ng hapon.

Subalit habang papasok sa bukana ng Cagayan River ay biglang lumakas ang hangin at balyahin ng malalaking alon ang ferry kaya tuluyang lumubog.

Ayon pa sa ulat, nag-panic ang mga pasahero matapos tumagilid ang ferry sa lakas ng alon at hangin kaya sa takot ay naglun­da­gan at nag-uunahan maka­hawak sa ilang plastic container para lamang lumu­tang.

Bandang alas-10:30 ng gabi nang makipag-ugnayan si P/Senior Supt. Moro Lazo sa kinauukulan sa Aparri at Ballesteros para makapag­padala ng rescue team sa lumubog na ferry na may 50 metro ang layo sa nabanggit na barangay.

Samantala, inihahanda na ni Vice Adm. Wilfredo Ta­mayo, hepe ng Coast Guard, ang kaukulang kaso laban sa may-ari at ilang crew kabi­ lang na ang nakaligtas na ship captain na si Dami Tan ng 28-ton M/B Mae Jan na awtorisado lamang magsa­kay ng 50-katao base na rin sa inisyung Ship Safety Certificate mula sa Maritime Industry Authority (Marina).

ADENA TAN-ARELLA

AIMEE TAN-ARELLANO

ANGEL SUAREZ

APARRI

AYON

AZELA TAMBAO

B MAE JAN

BALLESTEROS

BARANGAY LINAO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with