Ex-tserman binoga
December 15, 2008 | 12:00am
Batangas – Isang 52-anyos na dating barangay chairman ang napatay matapos pagbabarilin ng bagitong pulis at kapatid nito habang nasa isang lamayan sa bayan ng Cuenca lalawigang ito kamakalawa ng gabi.
Kinilala ni Police Inspector Norman Cas-Oy, deputy chief ng Cuenca PNP ang biktimang si Julian Abrenica, residente at dating chairman ng Barangay Labac, Cuenca.
Tinutugis naman ngayon ng mga awtoridad ang mga suspek na sina Police Officer Benito Marasigan, Jr. at kapatid nitong si Raphael Marasigan. (Arnel Ozaeta)
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended