Police chief naaksidente
CAMP SIMEON OLA, Legazpi City – Dahil sa kawalan ng early warning device, isang hepe ng pulisya ang nasawi matapos na sumalpok ang sinasakyan niyang motorsiklo kamakalawa ng gabi sa Purok 1, Barangay Malabog, Daraga, Albay.
Nakilala ang biktima ay si PCInsp. Joseph Redrico, hepe ng Camalig Police at re sidente ng Barangay Ilawod, Legazpi City.
Naganap ang insidente dakong alas-8:45 ng gabi habang ang biktima ay nakasakay sa kanyang motorsiklo at papauwi sa kanyang bahay. Pero biglang sumalpok ang motorsiklo sa isang nakaparadang truck sa naturang lugar. Nabatid na nagpapalit ng gulong sa tabing-daan ang driver ng truck subalit wala itong inilatag na early warning divice para babala sa mga paparating na sasakyan. Dahil sa hindi napansin ng biktima ang truck, sumalpok rito ang kanyang motorsiklo. (Ed Casulla)
- Latest
- Trending