^

Probinsiya

Trike driver pinugutan

- Ni Christian Ryan Sta. Ana -

CABANATUAN CITY – Isang tricycle driver na walang ulo ang inireport na natagpuan sa may dike sa Purok 7, Barangay San Isidro noong umaga ng Sabado, ayon sa ulat ng pulisya kahapon.

Positibong kinilala ng mga kaanak ang biktima na si Ronnie Cardona, 43, may-asawa ng Barangay Sta. Arcadia, rito.

Nakilala siya dahilan sa tahi ng operasyon nito sa may gawing kanang ta­giliran ng tiyan at ang gamit na pamasadang tricycle nito may plate number ES-7415 at body number 0789.

Bukod sa tagpas ang ulo, may apat pang tama ng bala ang kanang bahagi ng katawan nito.

Sa imbestigasyon, na­batid na dakong alas-8:30 ng umaga nang makita ang bangkay ng biktima mata­pos maghatid umano ito ng pasaherong babae sa may Barangay Bakod Bayan ng lungsod na ito.

Sinabi ng isang ayaw magpakilalang mag-iitik na nakakita umano sa biktima bago ang insidente ay may naghihintay na lalaki sa biktima at sakay nito.

Hindi gaanong nakita ng mag-iitik ang mukha ng lalaki dahil umano sa med­yo malayo siya rito. Naiwan sa crime scene ang pera at ang tricycle ng biktima kaya inalis ng pulisya ang posi­bilidad na ang motibo sa pagpatay ay pagnanakaw.

Hinihinala ng pulisya na may kinalaman sa onsehan sa partihan sa droga ang mo­tibo sa nasabing pama­maslang. Ang biktima, ayon sa pulisya, ay sabit sa pag­tutulak at may criminal re­cord sa paglabag sa section 8 of RA 6425 at may mga ho­micide cases pa uma­no ito.

vuukle comment

BARANGAY BAKOD BAYAN

BARANGAY SAN ISIDRO

BARANGAY STA

BIKTIMA

BUKOD

HINIHINALA

ISANG

NAIWAN

RONNIE CARDONA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with