^

Probinsiya

15 Luxury car nasamsam

-

May 15 mamaha­ling sasakyan na kinar­nap sa Metro Manila ang nabawi ng mga tau­han ng Philippine National Police-Highway Patrol Group ni­tong nagdaang linggo sa Cebu.

Ayon kay PNP-HPG Director Perfecto Palad, ang 15 nakaw na behikulo ay nare­kober ng mga ele­men­to ng HPG-Cebu personnel sa pamumuno ni Sr. Supt. Antonio Gadiola kaugnay ng pinalakas na operas­yon laban sa mga no­toryus na carnapping gang.

Tinukoy naman ni Palad base sa report ni Gadiola na sina Rey­nold de la Torre at Alma Gonzales ang nasa likod umano ng pag­bebenta ng mga na­kaw na sasakyan sa lalawi­gan. (Joy Cantos)

Sundalo dedo sa ambush

Isang sundalo ang nasawi habang isa ang nasugatan nang tamba­ngan ng mga hinihina­lang rebeldeng New People’s Army ang isang tropa ng scout ranger ng Philippine Army sa Ba­ rangay San Isidro, Bu­lan, Sorsogon kamaka­lawa ng hapon. Kinilala ang nasawi si Pfc Mi­chael Cris Lata ha­bang nilalapatan naman ng lunas si Private Gerry Acosta. (Ed Casulla)

Sex abuse sa Region 12 tumaas

Tumaas ang bilang ng mga kaso ng inaabusong mga kababaihan sa Region 12 kumpara noong nakaraang taon.

Sa ulat ni Department of Social Welfare and Development-Region 12 director Rudy Jimenea kay DSWD Secretary Esperanza Cabral, sinasabing mula Enero hangang ikalawang linggo ng Disyem­bre ng taong ito, may 82 kaso ng mga kababaihan ang naabuso sa South Cotabato gayung noong nakaraang taon ay wala pang 50 ang naitala ng DSWD.

Karamihan anya dito ay physical abuse, 42 ay biktima ng sexual abuse, 74 ang psychological abuse at 36 ang economic abuse

Sa Koronadal na lamang anya, nakapagtala ang DSWD ng 11 kaso ng physical abuse at pito naman ang sexual abuse. (Angie dela Cruz)

Magsasaka nakuryente

PANGASINAN – Isang 57-anyos na binatang magsasakang si Cosme Gloria ang hinihinalang na­matay nang makuryente sa loob ng kanyang bahay sa Barangay Telbang, Bayambang ng lalawigang ito. Natagpuan siyang patay noong Huwebes ng umaga bagaman huli siyang nakitang buhay noong Miyerkules ng hapon. Ayon sa isang duktor, may sunog sa kali­wang braso ng biktima na isang palatandaang nakur­yente ito hanggang masawi. Katabi ng bangkay ang isang bentilador na hinihinalang inaayos ng biktima nang makuryente ito. (Cesar Ramirez)

vuukle comment

ABUSE

ALMA GONZALES

ANTONIO GADIOLA

AYON

BARANGAY TELBANG

CEBU

CESAR RAMIREZ

COSME GLORIA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with