3 bihag tinodas ng Sayyaf

Tatlong bihag ang pinatay ng mga bandi­dong Abu Sayyaf na sumalakay sa Lamitan City, Basilan kahapon ng umaga.

Kinilala ang mga biktima na sina Nonie Sahilon, Cesar Alberto at asawa nitong si Dah­lia. Pawang kasapi ng Cafgu Active Auxiliary sina Alberto at Sa­hilon.

Ayon kay 1st Lt. Steffani Cacho, taga­pagsalita ng Armed Forces of the Philippines-Western Minda­nao Command, naga­nap ang insidente da­kong alas-6:00 ng uma­ga sa Brgy. Ba­guini, Lamitan City.

Batay sa report, sinalakay ng mga ban­didong pinamumunuan ng isang Commander Usman ang detachment ng CAFGU sa Sitio Bagueniao, Brgy. Balobo sa nasabing lungsod.

Ang nasabing detachment ay hinarass ng mga bandido mata­pos itong paulanan ng bala.

Mabilis namang nag­responde ang tro­pa ng Marine Battalion Landing Team 7 kung saan napilitang mag­siatras ang mga ban­dido na tangay ang tat­long biktima na ginawa ng mga itong kalasag laban sa mga sundalo.

Gayunman, sa ka­sa­maang palad ay pi­nagbabaril ng mga bandido habang tuma­takas sa daan ang tat­long bihag na siya ng mga itong ikinamatay.

Show comments