^

Probinsiya

Kabataan nag-armas vs MILF rebs

-

Dahil sa patuloy na paghahasik ng terorismo ng mga rebeldeng Moro Islamic Liberation Front, nag-armas na rin ang mga kabataan sa ilang lugar sa rehiyon ng Mindanao.

Ito ang ibinulgar kahapon sa radio interview ni Bishop Martin Jumoad, na nakatanggap siya ng impormasyon kay Fr. Pepe Ligason ng Maluso kung saan napipilitan ang mga kabataan may edad 15-anyos ay nag-aarmas para maipagtanggol at maging ligtas sa gitna ng patuloy na bakbakan ng mga sundalo at mga taksil na rebeldeng Moro Islamic Liberation Front.

Isinisi naman ito ni Jumoad sa kabi-kabilang bak­bakan sa Mindanao habang nawawala na rin aniya ang tiwala ng mga sibilyan sa mga awtoridad para ma­tiyak ang kanilang kaligtasan.

Maliban sa Basilan, napaulat din ang pag-aarmas ng mga kabataang sa bahagi naman ng Central Mindanao na sentro ng opensiba laban sa mga wanted na MILF rebs.

Dahil dito, naalarma ang Simbahang Katolika na tu­luyan nang mawalan ng moral values ang mga ka­bataan at maging lantad sa patayan dulot ng ka­rahasan sa rehiyon. Joy Cantos

BASILAN

BISHOP MARTIN JUMOAD

CENTRAL MINDANAO

DAHIL

JOY CANTOS

MINDANAO

MORO ISLAMIC LIBERATION FRONT

PEPE LIGASON

SIMBAHANG KATOLIKA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with