^

Probinsiya

Mayor pinalagan sa 'kotong'

-

LUCENA CITY, Que­zon – Pumalag ang isang construction firm laban sa mga sinasabing nango­ngotong sa kanila ng mga tauhan ni Lucena City Ma­yor Ramon Talaga Jr.

Sa pahayag ng presi­dente ng HG3 Construction Co. na si Homer Guinto, sa lokal na pahayagang Taliba ng Lucena, sinasabing inoobliga sila ng mga tauhan ni Mayor Talaga ng P.5 milyon contribution kapalit ng pagpasok ng mga materyales ng HG3 na ginagamit sa kanilang breakwater project sa Da­lahican sa Lucena City.

Ayon pa kay Guinto, umaabot na sa P2 milyon ang nakukuha sa kanila ng grupo ng kalalakihan na nagpakilalang mula sa opisina ni Mayor Talaga.

Nabatid din kay Guinto na hinaharang ng na­bang­git na grupo ang kanilang mga trak at hindi ito pina­papasok sa nabanggit na lungsod hangga’t hindi nakapagbibigay ng contribution.

Dahil dito, nanga­ngam­ba ang nasabing kom­panya na hindi na matuloy ang phase 2 ng construction ng breakwater dahil sa kinukulang na ng pondo ang HG3.

Pinaniniwalaan naman paninira lamang sa imahe ng nabanggit na alkalde ang nasabing isyu habang itinanggi naman ng opisina ni Mayor Talaga ang aku­sasyon.

AYON

CONSTRUCTION CO

DAHIL

GUINTO

HOMER GUINTO

LUCENA CITY

LUCENA CITY MA

MAYOR TALAGA

RAMON TALAGA JR.

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with