^

Probinsiya

50 Abu, 5 Marines utas sa bakbakan

-

Tinatayang aabot sa 50 miyembro ng grupong Abu Sayyaf ang iniulat na na­paslang habang lima na­man sa panig ng Phil. Marines ang nasawi maka­raan ang madugong sa­gupaan sa liblib na bahagi ng Barangay Kaili sa bayan ng Al Barkah, Basilan ka­makalawa.

Ayon kay Marine Commandant Major Gen. Ben Mohammad Dolorfino, alas-8 ng umaga nang lusubin ng Marine Battalion Landing Team sa pamu­muno ni Lt. Col. Elmer Estilles, ang pinagkuku­taan ng mga bandidong Abu Sayyaf na pinamu­munuan nina Kumander Furuji Indama at Kumander Nurhasan Jamiri.

Ang madugong sagu­paan ng Phil. Marines at mga bandidong Sayyaf ay isinabay sa laban ng Filipino boxing champ na si Manny “Pacman” Pacquiao at Mexican-American bo­xer Oscar “Golden Boy” de la Hoya sa Las Vegas, Nevada, USA.

Nabatid na ang grupo ni Indama at Jamiri ay may hawak sa mga kidnap victim kabilang sina April Nicole Raveche Tejada, Joel at ang pitong  kawani ng gravel and sand.

Umabot naman sa 25 sundalo kabilang ang piloto ng OV10 bomber plane na si Capt. Francis Vergara ang iniulat na na­su­gatan sa magkahi­walay na sagupaan ng tropa ng militar at mga bandi­dong Abu Say­yaf Group sa araw mismo ng laban nina Pacman at de la Hoya kung saan tumagal hanggang alas-5 ng hapon bago nagsagawa ng clearing operations ang militar.

Samantala, ayon kay Dolorfino, ay sumiklab din ang labanan sa pagitan ng tropa ng Phil. Marines at mg bandido sa bisinidad ng Barangay Tungol, Patikul, Sulu kasama ang tropa ng Philippine Army  na tuma­gal ng dalawang oras.

Umabot lamang sa da­la­wang sundalo ng Philippine Army at sampu naman sa Phil. Marines ang iniulat na nasugatan habang ma­rami ang nalagas sa mga tauhan ni Abu Sayyaf Commander Radulan Sahiron na pinani­niwalaang pina­ka­mataas na lider ng mga ban­dido na may P5 mil­yong reward.

Samantala, napilitan namang magsilikas ang ilang residente sa takot na madamay sa patuloy na bakbakan. (Joy Cantos)

vuukle comment

ABU SAY

ABU SAYYAF

ABU SAYYAF COMMANDER RADULAN SAHIRON

AL BARKAH

APRIL NICOLE RAVECHE TEJADA

BARANGAY KAILI

BARANGAY TUNGOL

BEN MOHAMMAD DOLORFINO

PHILIPPINE ARMY

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with