^

Probinsiya

Sulyap Balita

-

Bihag ipinasa sa Sayyaf

Ipinasa na ng Moro Islamic Liberation Front sa mga bandidong Abu Sayyaf ang pitong trabahador ng isang gravel and sand na binihag ng MILF kamakailan sa Barangay Lahi-Lahi, Tuburan, Basilan, ayon sa ulat kahapon. Ang mga bihag ay nasa balwarte na ngayon ng Abu Sayyaf na pinamumunuan nina Commanders Abdulharri Majuri at Pulah Montong. Ang mga bihag na nakilalang sina Mau Ponce, Alfred Layam, Wagi Toldeo, Tomas De Leon, Albert Manulis, Adraky Kaseris, at isang alyas Jobert ay guwardiyado ngayon ng mga armadong tauhan nina Majuri at Montong. (Joy Cantos)

Nene nalunod sa baha

Isang limang-taong gulang na batang babae ang nasawi makaraang malunod nang tangayin ng tubig-baha sa isang sapa sa Kidapawan City, North Cotabato kamakalawa ng gabi. Kini­lala ang biktima na si Maribel Digerio, residente ng Barangay Santo Niño ng lungsod na ito. Naganap ang insidente habang tu­matawid ang biktima sa isang sapa sa Barangay Linangkob sa lungsod na ito dakong alas-6:00 ng gabi. (Malu Cadelina Manar)

Eatery owner pinagbabaril

SAN CARLOS CITY, Pangasinan – Isang eatery owner ang walang-awang pinagbabaril ha­bang nag­luluto sa kanyang kantina ng dalawang ar­madong kala­lakihan ka­makalawa ng umaga sa panulukan ng Roxas at Lucban Streets dito. Kini­lala ang biktima na si Sammy Mendoza, 43 anyos at residente ng ba­rangay Cacaritan sa lungsod na ito. Abala ang biktima at asawa nito at isang katulong sa pagluluto nang biglang pumasok ang ‘di-pa nakiki­lalang mga suspek at binaril ang biktima nang dalawang beses. (Cesar Ramirez)

vuukle comment

ABU SAYYAF

ADRAKY KASERIS

ALBERT MANULIS

ALFRED LAYAM

BARANGAY LAHI-LAHI

BARANGAY LINANGKOB

BARANGAY SANTO NI

CESAR RAMIREZ

COMMANDERS ABDULHARRI MAJURI

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with