Drug ring sa Norte nabuwag

Inihayag ng Philippine Drug Enforcement Agency ang pagkakabuwag sa isang sindikato ng iligal na droga na kumikilos sa Ba­guio City at Benguet mata­pos na masakote ang siyam nitong miyembro.

Kinilala ang mga nada­kip na sina Shirley Wadi­ngan, Rimando Cadap, Shane­datu Utoh, Marlyn Aquino, Lu­crecia Madanes, Zanny Ryan Quiroz, Joel Fallorin, Jordan Luther Managdag, at Mary Jane Espiritu na bu­mu­buo sa Bambi Drug Group.

Sinabi ni PDEA Director General Dionisio Santiago Jr. na nasakote ang mga suspek sa magkakahi­walay na operasyon mula Mayo hanggang Nobyem­bre nga­yong taon sa pi­naigting na pagtutok sa naturang grupo. (Danilo Garcia)

Show comments