^

Probinsiya

Tubuhan ni mayor sinunog

-

Sinunog ng mga pi­nag­hihinalaang mga re­beldeng New People’s Army ang plantasyon ng tubo ng al­kalde ng Ca­latrava, Negros Occidental kamakalawa.

Batay sa report ng Police Regional Office, da­kong alas-7:45 ng umaga nang salakayin ng mga armadong kalalakihan ang malawak na taniman ng tubo na pag-aari ni Mayor Valmayor Herma­nos sa Sitio Danicop, Ba­rangay San Isidro, Calatrava ng nasabing lalawigan.

Wala namang nagawa ang mga trabahador dito matapos na tutukan ng baril ng mga armadong rebelde.

Agad na sinilaban ng mga rebelde ang plan­tasyon ng alkalde bago mabilis na nagsitakas pa­tungo sa direk­syon ng kabundukan.

Pinaniniwalaan namang pangingikil ng revolutionary tax ang motibo ng mga re­belde sa inilunsad ng mga itong pag-atake. (Joy Cantos)

vuukle comment

BATAY

CALATRAVA

JOY CANTOS

MAYOR VALMAYOR HERMA

NEGROS OCCIDENTAL

NEW PEOPLE

POLICE REGIONAL

SAN ISIDRO

SHY

SITIO DANICOP

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with