Ina pinatay sa harap ng anak

CAVITE– Tulala pa rin at nanginginig sa takot ang isang 30-anyos na dalaga matapos na masaksihan ang ginawang pagpatay ng isang lalaki sa kanyang ina na pinagbabaril sa ulo habang sila ay nasa loob ng kanilang sasakyan. Kritikal ang ka­nilang driver na pinagbabaril din habang pababa na sana sila sa ka­nilang sasakyan sa Andrea Village, Barangay Pana­paan 1, Bacoor Ca­vite, ka­makalawa ng ha­pon.

Kinilala ni Bacoor Police Chief Supt. Mario Reyes ang biktima na agad na­matay na si Ester Leo­nardo, 60-anyos, may asa­wa, negosyante at resi­dente ng Andrea Village habang ma­lubha na­man ang driver nito na si Jo­na­than Diaz 28, at resi­dente ng Talaba 2 ng bayan ding ito.

Ligtas naman ang anak nitong dalaga na pansa­mantalang hindi pinabang­git ang pangalan para sa ka­ligtasan nito. Dalawang lalaki naman na nakasum­brero ang suspek na ma­bilis na tumakas sakay ng isang Yamaha MIO Motorcycle.

Pababa sa kanilang sasakyan ang matandang Leonardo nang lumapit ang isa sa mga suspek at tina­nong ito kung ano ang kan­yang pangalan. Nang su­ma­got ang biktima, agad siyang binaril sa ulo ng salarin. Pinagbabaril din ang driver nito habang natulala naman ang anak ng negosyante. (Cristina Timbang)

Show comments