Planong pambobomba nasilat, bomb expert tiklo

Nasilat ng mga awtoridad ang planong pambobomba ng Jemaah Islamiyah terrorist sa Central Mindanao makaraang masakote ang isang Bangla­desh bomb expert sa bisini­dad ng Barangay Tapayan sa Datu Mastura Mun, Shariff Kabunsuan noong Martes ng hapon.

Sumasailalim na sa tactical interrogation ang suspek na Muhammad Alpariz.

Si Alpariz ay inaresto ng mga tauhan ng Criminal investigation and Detection Group at Regional Mobile group sa bisa ng warrant of ar­rest na inisyu ni Judge Isaac Robillo ng Davao Regional Trial Court.

Ayon kay P/Chief Supt. Pedro Tango, provincial police director, nakumpiska sa inu­ upahang shop ni Al­pariz, ang dalawang improvised explosive device na gawa sa bala ng 60mm at 81mm mortar, electrical wires, baterya, alarm clock, cellular phone, dala­wang mortar boost­ers at mga detonating cord.

Kaugnay nito, alerto na ang tropa ng militar sa po­sibleng sympathy attacks ng grupo ni Alpariz na posibleng bombahin ay ang mga urban center sa Central Mindanao na kinabibilangan ng mga lungsod ng Cotabato, Tacu­rong, General Santos at Kida­pawan. (Joy Cantos)

Show comments