Planong pambobomba nasilat, bomb expert tiklo
Nasilat ng mga awtoridad ang planong pambobomba ng Jemaah Islamiyah terrorist sa Central Mindanao makaraang masakote ang isang Bangladesh bomb expert sa bisinidad ng Barangay Tapayan sa Datu Mastura Mun, Shariff Kabunsuan noong Martes ng hapon.
Sumasailalim na sa tactical interrogation ang suspek na Muhammad Alpariz.
Si Alpariz ay inaresto ng mga tauhan ng Criminal investigation and Detection Group at Regional Mobile group sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Judge Isaac Robillo ng Davao Regional Trial Court.
Ayon kay P/Chief Supt. Pedro Tango, provincial police director, nakumpiska sa inu upahang shop ni Alpariz, ang dalawang improvised explosive device na gawa sa bala ng 60mm at 81mm mortar, electrical wires, baterya, alarm clock, cellular phone, dalawang mortar boosters at mga detonating cord.
Kaugnay nito, alerto na ang tropa ng militar sa posibleng sympathy attacks ng grupo ni Alpariz na posibleng bombahin ay ang mga urban center sa Central Mindanao na kinabibilangan ng mga lungsod ng Cotabato, Tacurong, General Santos at Kidapawan. (Joy Cantos)
- Latest
- Trending