CAMP SIMEON OLA, Legazpi City – Isang bride na pinaniniwalaang umatras sa kanyang kasal ang pinagsasaksak hanggang sa mapatay ng kanyang groom kung saan uminom naman ng lason ang huli sa Purok 1, Barangay Hindi sa bayan ng Bacacay, Albay kahapon ng umaga.
Kinilala ng pulisya ang biktimang dalaga na si Margie Bermun do, 30, samantalang ang suspek na binabantayan ng pulisya habang ginagamot sa Ziga Memorial District Hospital sa Tabaco City ay kinilalang si Sandro Barquell, 36.
Base sa police report, naganap ang insi dente dakong alas-10 ng umaga habang ang biktimang nagpapahinga sa loob ng kanilang tahanan nang dumating ang suspek na galit.
Ilang hakbang pa lamang ay kaagad na kinompronta ng suspek ang kanyang bride-to-be dahil sa napaulat na tangkang pag-atras nito sa kasalan sa hindi nabatid na dahilan.
Dahil sa nagkakasigawan ang magkasin tahan ay tinangkang mamagitan ng ina ng dalaga na si Melchora Bermundo, 62, subalit mabilis na pinagsasaksak ng suspek ang biktima, subalit maging ang matandang Bermundo ay pinagsasaksak din.
Matapos ang pana naksak ay kinuha ng suspek ang botelyang may lason at tinunga ito, habang sumaklolo naman ang ilang kapitbahay ng pamilya Bermundo at naisugod sa nasabing ospital ang mga biktima. Dagdag ulat ni Joy Cantos