^

Probinsiya

3 NPA utas sa bakbakan

-

CAMP AGUINALDO - Tatlong rebeldeng New People’s Army ang iniulat na napatay habang pitong iba pa ang sugatan kabilang na ang tatlong kawal ng Philippine Army sa panibagong sagupaan sa magubat na Mt. Balali sa Barangay Anupol, Bamban, Tarlac noong Biyernes. Napag-alamang nagpapatrolya ang tropa ng 3rd Infantry Battalion sa pamumuno ni 1st Lt. Randy Asuela nang makasagupa ang grupo ng mga rebelde na tumagal ng 15 minuto. Pansamantalang hindi ibinigay ang pagkikilanlan ng mga sundalong sugatan habang tinangay naman ng mga rebelde ang tatlo nilang kasamahang napatay. Narekober sa site, ang dalawang bagpack na may mga subersibong dokumento at isang M16 Armalite rifle. (Danilo Garcia)

‘Killer’ ng traffic enforcer kalaboso

CAMP VICENTE LIM, Laguna – Kalaboso ang binag­sakan ng isang sar­hento sa Philippine Army makaraang mabaril at mapatay ang isang traffic enforcer sa Barangay Ma­yapa, Calamba City, Laguna, may tatlong buwan na ang nakakalipas. Sa bisa ng warrant of arrest na ipinalabas ni Judge Alberto Serrano ng Ca­lamba City Regional Trial Court, Branch 29, naaresto si Sgt. Re­carte Yadao na nakatalaga sa Army Support Command (ASCOM) sa Fort Bonifa­cio, Taguig City at wa­lang piyan­sang inirekomenda ang korte. Sa ulat ni P/Senior Supt. Manolito Laba­dor, Laguna police director, si Yadao ay iti­nu­turong nakabaril at naka­patay kay Jaime Gar­cia ng Calamba City Traffic Management Office ma­ta­­pos ang mainitang pagtatalo noong Agosto 19, 2008 ban­dang alas-5 ng hapon. Base sa imbestigasyon ng pulisya, pinara ni Garcia si Yadao na nakamotorsiklo sa kahabaan ng national highway sa nabanggit na ba­rangay dahil sa ‘di-pag­susuot ng helmet hang­gang sa mauwi sa maini­tang pagta­talo at pama­maril. (Arnell Ozaeta)

3 karnaper arestado

KIDAPAWAN CITY – Rehas na bakal ang binagsakan ng tatlong kalalakihan na pinaniniwalaang miyembro ng carnapping syndicate makaraang makumpiskahan ng baril at nakaw na motorsiklo sa Barangay San Rafael sa Tacurong City, Sultan Ku­da­rat kamakalawa ng umaga. Pormal na kinasuhan ni P/Supt, Joel Limson, ang mga suspek na sina Datu Mama Palti Wahab, 24; Neknek Bacal Sangaban; at si Jay-R Angin Kadatuan na pawang residente ng Barangay Kulasi sa Salipada K Pendatun, Maguindanao. Nanguna sa pag-aresto si PO1 Freddie Ollosa ng Tacurong City PNP at mga miyembro ng Civilians Volunteers Organizations. Bukod sa baril na walang lisensya at nakumpiska sa tatlo ang motorsiklong may plakang MK4325 na pinaniniwa­laang kinarnap mula kay Primitivo Ochique ng Don Carlos, Bukid­non. (Malu Manar)

2 utas sa drug-bust

Dalawa-katao, kabilang ang isang kapitan ng barangay ang iniulat na napaslang habang isang pulis naman ang sugatan sa isinagawang buy-bust operation kamakalawa sa Sitio Bacuring sa Barangay Madaum sa Davao del Norte. Kabilang sa nasawi ay si Chairman Israel Maog ng Barangay Madaum, Tagum City habang kinikilala pa ang isa sa miyembro ng drug syndicate ha­ bang sugatan naman si PO1 Alex Maniego. Batay sa police report na nakarating sa Camp Crame, inilatag ang buy-bust opera­tion ng mga awtoridad laban sa grupo ng sindikato sa na­banggit na barangay. Subalit nakatunog ang mga suspek kaya binaril agad ang poseur buyer na si PO1 Maniego at ang mga kasa­mahan nito kabilang na si Chairman Maog. Sa kabila na sugatan, nagawa namang mabaril at mapatay ni PO1 Maniego ang isa sa mga suspek habang nagawang makatakas ng iba pang suspek. (Danilo Garcia)

ALEX MANIEGO

BARANGAY

BARANGAY MADAUM

CITY

DANILO GARCIA

PHILIPPINE ARMY

SHY

TACURONG CITY

YADAO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with