^

Probinsiya

4 smuggler ng mga endangered species, nadakma

-

CAMP VICENTE LIM, Laguna – Apat sa anim na kalalakihan ang bumagsak sa kamay ng mga awtoridad makaraang makumpiskahan ng mga ibong Myna at iba’t ibang hayop sa karagatang sakop ng Barangay Pani­pian, Quezon, Palawan kamakalawa ng hapon.

Kabilang sa mga kinasu­han sa paglabag sa Republic Act 9147 ay sina Ruben Palatino, Ruben Gadiano, Randy Factor at Dennis Bundol, pawang mga resi­dente ng Taytay, Palawan.

Sa ulat na nakarating kay P/Supt. Nilo Anzo, Palawan police director, nagsasagawa ng sea patrol operation ang pinagsanib na elemento ng Palawan police at ng Bantay Dagat malapit sa isla ng Tagolangog nang mamataan ang mga suspek na nagkakar­ga ng mga kahon sa bang­­kang M/B Rolyn bandang alas- 2:30 ng hapon.

Subalit bago pa sila ma­ka­lapit, biglang nagpulasan ang grupo ng kalalakihan at kanya-kanyang bitbit ng mga kahon ng Myna at nagsitakbo patungong magubat na parte ng isla.

Gayon pa man, nasukol ang apat sa anim na kalala­kihan at makumpiska sa mga ito ang 20 kahon na may 300 Myna, isang Palawan bear cat at 3 musang na maitu­turing na mga endangered species. (Arnell Ozaeta)

ARNELL OZAETA

B ROLYN

BANTAY DAGAT

BARANGAY PANI

DENNIS BUNDOL

NILO ANZO

PALAWAN

RANDY FACTOR

REPUBLIC ACT

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with