^

Probinsiya

5 aircon bus sinunog ng NPA

-

LINGAYEN, Panga­sinan — Aabot sa limang aircon bus ng Victory Liner ang iniulat na sinunog ng mga rebeldeng New Peo­ple’s Army na ikinasugat ng anim na pulis maka­raang su­miklab ang bakbakan sa loob ng terminal ng bus sa Lin­gayen, Pangasinan ka­ma­ka­lawa ng gabi.

Ayon kay P/Supt. Harris Fama, hepe ng Lingayen PNP, dakong alas-11:40 ng gabi noong Miyerkules nang lumusob ang mga rebelde sa terminal ng na­sabing bus company  sa kahabaan ng Avenida St., Poblacion.

Kabilang sa mga suga­tang pulis na isinugod sa Region 1 Medical Center sa Dagupan City ay sina PO3 Alex de Guzman, PO3 Daniel Sison, PO2 Rey­naldo Domalanta, PO1 Her­man Gamba, PO1 Ramon Valencerina, PO1 Ar­menio Abarabar at ang konduktor ng bus na nag­tamo ng 2nd degree burns dahil natutulog ito sa isa sa limang bus na sinunog.

Base sa police report na nakarating sa Camp Cra­me, dinisarmahan ang gu­wardiya na si Romeo Mer­cullo habang ikinulong naman sa palikuran  ang mga drayber ng bus.

Ilang rebelde ang nag­buhos ng gasolina sa li­mang bus at sinilaban su­balit natiyempuhang ma­pa­daan ang mobile patrol car na sinasakyan ng wa­long pulis at isang sibilyan.

Dito na sumiklab ang umaatikabong bakbakan  sa pagitan ng magkabilang panig habang tuluy-tuloy namang nasunog ang li­mang aircon bus.

Ayon sa ilang testigo, sampung armadong kala­la­kihan ang mabilis na tu­makas sakay ng van at FX.

May teorya si P/Chief Supt. Luizo Ticman, na sangkot sa pangongotong ang mga rebeldeng nag­hasik ng terorismo sa nabanggit na lugar habang aabot naman sa P5 mil­yong ari-arian ang pin­sala. Ce­sar Ramirez at Joy Cantos

AVENIDA ST.

AYON

BUS

CAMP CRA

CHIEF SUPT

DAGUPAN CITY

DANIEL SISON

HARRIS FAMA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with