^

Probinsiya

Magsasaka dinukot ng NPA

-

CAMP SIMEON OLA, Legazpi City – Isang mag­sasaka na pinaniniwalaang nagbibigay ng impor­masyon sa pulisya kaugnay sa ikinikilos ng grupong makakaliwa ang dinukot ng mga rebeldeng New People’s Army kaha­pon ng madaling-araw sa Barangay San Pedro, Cabusao, Camarines Sur. Ang biktimang iginapos saka kinaladkad palabas ng kanilang bahay ay nakilalang si Gavino Lopez Jr. Napag-alamang matutulog ang biktima, katabi ang kan­yang pamilya nang pasukin ng mga rebelde. Ed Casulla

P2M palengke naabo

BATAAN – Tinatayang aabot sa P2 milyon halaga ng ari-arian ang tinupok ng apoy makaraang masunog ang sampung tindahan sa loob ng palengke ng Barangay San Jose sa Ba­langa City kamakalawa ng gabi. Ayon kay P/Chief Insp. Antonio Ocampo, nagsimulang kumalat ang apoy bandang alas-11 ng gabi at naapula bandang ala-1:50 ng madaling-araw kahapon. Wala naman iniulat na nasawi o nasaktan sa na­ganap na sunog habang inaalam kung electrical faulty wiring ang isa sa dahilan ng sunog. Jonie Capalaran

Kasosyo sa sabungan dinedo

BATANGAS – Kamatayan ang sumalubong sa isang 40-anyos na barangay councilor makaraang tambangan ng ‘di-pa kilalang lalaki habang sakay ng kanyang kotse sa highway ng Barangay Darasa sa Tanauan City, Batangas kahapon ng umaga. Kinilala ni P/Supt. Willy Atun, Tanauan police chief, ang biktimang si Dennis Estayan ng Barangay Sta. Anastacia sa bayan ng Sto. Tomas, Batangas. Ayon sa police report, lumilitaw na si Estayan ay lulan ng kotseng Honda Accord (UNL-570) patungo sana sa sabungan nang harangin at pagbabarilin ng isang lalaki na sakay ng motorsiklo bandang alas-11:05 ng umaga. Sinabi ni Col. Atun, si Estayan ay malapit na suporter ni ex-Chairman Romy Medalla ng Barangay Anastacia na tu­makbo laban sa nakaupong barangay chairman sa kasaluku­yan. “Ka­sosyo rin si Estayan sa Darasa Sports (Cockpit) Complex, kaya posibleng politics at paghihiganti ang isa sa motibo ng krimen,” pahayag pa ni Atun. “Si Konsehal Estayan kasi, ang pinag­hihinalaang nagpaaresto sa mga barangay tanod sa kanilang lugar na may mga iligal na baril noong August 2008,” dagdag ni Atun. Patuloy pa rin ang imbestigasyon. Arnell Ozaeta

ANTONIO OCAMPO

ARNELL OZAETA

ATUN

AYON

BARANGAY

BARANGAY ANASTACIA

BARANGAY DARASA

BARANGAY SAN JOSE

ESTAYAN

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with