Anak kinatay ng ama

Umabot sa sukdulan ang kasamaan ng sadistang ama ma­tapos na pagtatagain hanggang sa mapatay ang sarili nitong 29-anyos na anak ng mapundi sa paninisi ng huli sa pambu­bug­bog nito na humantong sa pagkamatay ng kaniyang misis sa bayan ng Murcia, Negros Occidental kahapon ng madaling-araw.

Kinilala ang nasawing biktima na si Sandy Caballero habang agad ring nadakip ang suspek na si Arsenio Caballero, 66.

 Batay sa report ng provincial police office na nakarating sa Camp Crame, naganap ang brutal na krimen sa loob ng tahanan ng pamilya Caballero sa Hacienda Roxas, dakong alas-3 ng madaling-araw.

Sa imbestigasyon ng pulisya, isinalaysay ng kapatid ng bik­tima na si Catherine, na gabi pa lamang ay nagtatalo na ang biktima at suspek na kapwa lango sa alak.

Sinisisi ng biktima ang kaniyang ama dahilan sa pambu­bugbog sa kanilang ina na naging dahilan ng kamatayan nito.

Naawat ang pagtatalo ng mag-ama at parehong nakatulog subali’t makalipas lamang ng ilang oras ay pinasok ng ama ang biktima sa silid nito at pinagtataga. Joy Cantos

Show comments