Aktibista itinumba
Isa na namang kaso ng extra-judicial killing ang naitala makaraang mapaslang ang isang lider militante sa Davao City noong Sabado ng gabi.
Sa naantalang ulat na naka rating kahapon sa Camp Crame, kinilala ang biktima na si Vicente Paglinawan, 51, vice president ng Pambansang Kilu san ng mga Samahang Magsasaka (Pakisama) sa Mindanao.
Si Paglinawan ay tumatayo ring chairman ng grupong mi litanteng Akbayan sa kanilang bayan.
Base sa imbestigasyon, naganap ang krimen habang ang biktima ay pauwi sa Malabaog sa Paquibato District nang pagbabarilin sa ulo habang bumibili sa tindahan.
Sa tala, si Paglinawan ay ika-5 lider aktibista na pinaslang sa Mindanao at ika-2 sa Davao City matapos namang tambangan at mapatay ang lider magsasaka na si Celso Pojas ng Kilusang Magbubukid ng Pilipinas noong Mayo 2008.
Kaugnay nito, kinondena naman ng nasabing grupo ang pagpaslang kay Paglinawan at sinabing naniniwala silang pulitika ang motibo.
“We in Pakisama condemn in strongest possible terms this dastardly and cowardly act of his murderers. If they thought that killing him will sow fear and stop us and the broad peasant movement from pursuing their planned activities in the coming days, they were mistaken,” pahayag ng national coordinator ng Pakisama na si Soc Banzuela. (Joy Cantos)
- Latest
- Trending