^

Probinsiya

Gun ban sa Tacloban

-

Nagpalabas ng isang resolusyon ang Commission on Elections na nag-aatas sa pagpapatupad ng “total gun ban” sa Tacloban City bilang paghahanda sa plebisito upang gawing “highly-urbanized city” ang lunsod.

Batay sa Resolution 8515 ng Comelec, inatasan nito ang Tacloban City Police na ipatupad ang pagbabawal sa pagdadala ng anumang uri ng baril at mga naka­kamatay na sandata.

Maging ang mga tao na bumibisita lamang sa Tac­loban ay sakop rin ng re­solusyon.

Epektibo ang gun ban hanggang Disyembre 21. Mer Layson

Itinumba ng NPA

CAMP SIMEON OLA, Legazpi City — Binaril at napatay ng isang hininalang miyembro ng New People’s Army si PO3 Jorge Calinao ng Lupi Police habang naglalakad ito pauwi ng bahay sa Zone 6, Barangay Tapi, Lupi, Camarines Sur kamakalawa ng hapon. Ed Casulla

2 pulis tiklo sa boga

 KIDAPAWAN CITY — Dalawang tauhan ng Maguindanao Police na sina PO2 Moil Nul at kapatid nitong si PO1 Lahmulil Nul ang inaresto ng pulisya makaraang mahulihan ng ‘di-lisensiyadong baril sa Kabacan, North Cotabato kahapon. Dinakip din ang kasamahan nilang sina Muhammad Singao na security officer ng Land Transportation Office at driver na si Ambit Anit. Malu Cadelina Manar

2 sekyu huli sa nakaw

SAN MIGUEL, Bulacan - Dalawang guwardiyang sina Edwin Ignacio, 40 anyos, at Anthony Fuentes, 42 anyos, ang inaresto ng pulisya makaraang mahuling nagnanakaw ng P40,000 halaga ng mga grocery items kamakalawa ng gabi sa CVC Supermarket na pag-aari ni dating Caloocan City Congressman Gerardo Cabochan at matatagpuan sa Barangay Poblacion ng bayang ito. Dino Balabo

vuukle comment

AMBIT ANIT

ANTHONY FUENTES

BARANGAY POBLACION

BARANGAY TAPI

CADELINA MANAR

CALOOCAN CITY CONGRESSMAN GERARDO CABOCHAN

CAMARINES SUR

DALAWANG

DINO BALABO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with