Guro nagulungan ng truck

Napisak ang ulo ng isang guro makaraang masaga­saan ng isang rumaraga­sang truck habang tuma­tawid sa highway sa Caga­yan de Oro City kama­kalawa.

Kinilala ang biktima na si Lourdes Laurete, 56-anyos, residente ng Salay, Misamis Oriental.

Batay sa ulat na naka­rating sa Camp Crame, naganap ang aksidente sa Crossing Balubal, sa Upper Puerto sa naturang lungsod.

Tumatawid sa kalsada ang biktima nang biglang mabundol at masagasaan ng Prime Mover truck na minamaneho ni Mariano Umbay, residente ng Ba­rangay Bonbon sa lungsod.

Sa lakas ng pagkaka­bundol ay nakaladkad pa ng ilang metro ng nasabing truck ang biktima na siyang kumitil sa buhay nito.

Boluntaryo namang sumuko sa Puerto Police Precinct ang suspek na nahaharap ngayon sa kasong kriminal. Joy Cantos

Show comments