Mag-asawa binoga ni kumpare
Karit ni kamatayan ang sumalubong sa isang misis habang grabe namang nasugatan ang mister nito makaraang pagbabarilin ng kanilang kumpare sa Barangay Bungdo sa bayan ng San Benito, Surigao del Norte kamakalawa ng gabi.
Idineklarang patay sa Del Carmen Hospital si Melony Sumando habang ginagamot naman si Barangay Councilor Julie Sumando, 41.
Tugis naman ng pulisya ang suspek na si Leonardo “Loloy” Escripolo, 31.
Batay sa police report, naganap ang pamamaslang habang nag-iinuman ng alak ang mag-asawa sa kanilang tahanan kasama ang suspek.
Napag-alamang nairita ang suspek sa tinuran ng mag-asawa kaya nagmamadaling umalis at nang bumalik ay isinagawa ang pamamaslang. Joy Cantos
- Latest
- Trending