8 MILF rebs utas sa bakbakan

Walong rebeldeng Moro Islamic Liberation Front na nasa ilalim ng pamumuno ni Commander Ameril Umbra Kato, ang iniulat na napas­lang habang 4 iba pa ang nasu­gatan kabilang ang dalawang sundalo sa pani­bagong sa­gupaan sa liblib na bahagi ng Shariff Aguak, Maguindanao ka­makalawa.

Sa ulat na tinanggap ka­hapon ni Army Chief Lt. Gen. Victor Ibrado, kinilala ang tatlong narekober na bang­kay ng MILF rebs na sina Samer Udtog, Magula Peg­kaulan at Sadat Ab­dullah ha­bang sugatan na­man sina Suaed Pegka­ulan at Raheb Madidis.

Base sa intelligence report na nakalap ni Army 6th Infantry Division spokesman Col. Julieto Ando, bi­nitbit ng mga nagsitakas na rebelde ang limang iba pang MILF na namatay sa bakbakan.

Kinilala naman ang su­gatang sundalo ng Phil. Marines na sina Pfc Rex Rey­naldo at Pfc Laureano Jap­son.

Sumiklab ang ilang mi­nutong sagupaan sa pa­gitan ng grupo ni Commander Kato at ng platoon Bravo Com­pany ng Army’s 46th Infantry Battalion sa pamu­muno ni 1st Lt. Christopher Manuel sa liblib na bahagi ng Brgy. Malingaw sa na­bang­git na bayan. Joy Cantos

Show comments