^

Probinsiya

77 katao nadale ng tipus

-

LUCENA CITY, Quezon – Umaabot na sa 77-katao ang iniulat na nadale ng typhoid fever makaraang ma­kainom ng kontaminadong tubig sa bayan ng Real sa Que­zon simula pa noong Biyernes.

Ayon kay Dr. Romeo Maano, Quezon provincial health officer, ang mga bik­tima na nagmula sa tatlong barangay ay kasalukuyang nasa Claro M. Recto Hospital sa bayan ng Infanta, Que­zon makaraang maka­ranas ng lagnat, pananakit ng ulo at tiyan, pagsusuka.

Sa panayam ng PSNgayon kay Dr. Maano, nagmula ang typhoid outbreak sa inuming tubig na inigib ng mga residente sa isang bukal sa Barangay Kawayan na ayon sa pag­susuri ay kontaminado ng bacterium Salmonella typhi.

 “Hindi naman inaasahan ng mga residente na konta­minado na ng bacteria ang ki­nu­kunan nilang inuming tu­big mula sa natural spring da­hil matagal na silang umi­igib doon,” paliwanag ni Dr Ma­ano.

Sinabi pa ni Dr. Maano, na meron nang isang bata ang namatay dahil sa lagnat pero tinitingnan pa nila kung may kaugnayan sa typhoid outbreak.

Pinabulaanan naman ni Real, Mayor Joel Diestro na­may namatay na bata dahil sa typhoid fever.

Nagpadala na ng mga imbestigador mula sa health office si Dr. Maano para su­riin ang water sampling kung saan nagmula ang kontami­nasyon ng tubig mula sa bukal.

Samantala, sinabi ni Dr. Eric Tayag ng DOH-National Epidemiology Center, kasa­lukuyan na ring nakikipag-ugnayan ang mga opisyal ng kalusugan sa mga opis­yal ng lokal na pamahalaan ng Infanta at Real, Quezon.

Kasunod nito, sinasa­ bing umabot na sa 100-ka­tao ang dinala sa Ascarraga Clinic sa bayan ng Real, Quezon matapos na ma­dale ng typhoid fever. (Arnell Ozaeta, Tony Sandoval at Doris Franche)

ARNELL OZAETA

ASCARRAGA CLINIC

BARANGAY KAWAYAN

CLARO M

DORIS FRANCHE

DR MA

DR. ERIC TAYAG

DR. MAANO

QUEZON

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with